Icelandic Level 2 for Filipino speakers (19:30) 3. September 2026

General Information
| Course Title: | Icelandic Level 2 for Filipino speakers (19:30) | Course Level | Level 2 |
| Starting Date | 03/09/26 | Ending Date: | 05/11/26 |
| Course Price (Kr): | 59.500 kr | Time: | 19:30 – 21:40 |
| Taught in: | Filipino | Week Days: | Tue and Thu |
| Class Hours: | 60 | Location: | Bolholt 6, 2nd floor, Reykjavík |
Overview
Ang Icelandic 2 ay nakatuon sa pagre-review at pagpapalalim ng mga natutunan sa Icelandic 1.
Sa course na ito, matututunan ang mga pandiwa tulad ng að þurfa (to need) at að finnast (to
think/to find), na makatutulong sa mga estudyante na mas maipahayag ang kanilang sarili.
Patuloy ring nadaragdagan ang kanilang bokabularyo sa wikang Icelandic.
Sa dulo ng kurso, inaasahang kaya nang magbahagi ng mga estudyante tungkol sa kanilang
buhay, tulad ng kanilang mga hobbies, paboritong lugar, at iba pang personal experiences.
Matututunan din nilang magpahayag ng mga simpleng opinyon, kagustuhan, at
pangangailangan. Kasama sa course ang pakikinig, pagbabasa, pagsusulat, at pagsasalita sa
Icelandic. Tulad ng sa Icelandic 1, malaking focus pa rin ang tamang pagpronounce at ang iba’t
ibang tunog na maaaring gawin ng bawat titik sa alpabetong Icelandic.
Sa pagtatapos ng kurso, may test para ma-review at ma-practice ang lahat ng napag-aralan.
Kasama na rin ang isang aklat sa kurso. Kung hindi sigurado ang isang estudyante kung aling
level ang dapat kunin, puwede siyang bumisita sa aming opisina sa Bolholt 6 at tingnan ang
aming mga books para malaman kung aling level ang pinakaangkop sa kanya.
Material / Vocabulary:
Kasama sa course na ito ang vocabulary tungkol sa mga damit, mga petsa(dates), at holiday,
mga di-tiyak na panghalip (indefinite pronouns – tulad ng ilan, marami, at iba pa),
panahon(weather), mga form, mga interes, health at healthcare system, at mga lugar sa
Iceland. Magbabasa rin ang mga estudyante ng iba’t ibang text tungkol sa iba pang paksa.
Tatalakayin din nang mas detalyado ang mga pandiwang að þurfa (to need), að langa (to
want/long for), að finnast (to think/to find), að skulu (will/shall), at að líða (to feel).
Grammar:
Palayon (accusative case), pagkakasunod-sunod ng mga salita (word order), mga pang-uri
(adjectives), kasarian ng mga numbers(gender of numbers), maramihan (plural), palayonan
(dative case), mga pang-ukol (prepositions), mga pang-abay (adverbs), pautos na anyo ng
pandiwa (imperative form), pagbabago o hindi pagbabago ng lokasyon (changed or
unchanged location), tiyak na pantukoy (definite article), pati na rin ang nakaraang
panahunan (past tense) ng mga pandiwang að vera (to be) at að fara (to go).

